Wednesday, 4 December 2013

Masayang ala-ala

Nakaka-miss sa bahay namin. Kahit na maliit ang bahay namin, masaya ako pag kumpleto kami lahat. Si Tatay, si Nanay, si Kuya, Ako, si Mayet at si Bubot. Si Kuya ang laging nag-aayos ng Christmas Tree. Minsan blue, minsan red and yellow. Minsan white. Iba-iba. Makulay. Sya rin ang nagluluto sa Pasko. Lagi syang may gift sa akin palibhasa mas malaki ang sahod nya at kapatid nya ako. Naaalala ko pa rin sya hanggang ngayon. Sa panaginip ko na lang sya nakikita. Magkaganun man, alam ko  na masaya sya sa ngayon sa piling ni Lord. Ang tangi ko lang masasabi, kung may pagkakataon o sa kung ano mang okasyon natutunan ko na magbigay ng kahit anong bagay maliit man ito o malaki. Pagkain man o hindi basta bukal sa loob. Magpahalaga sa pamilya, dahil naranasan ko na bumili ng mga bagay na mamahalin tulad ng sapatos, damit, belt, medyas para sa isang taong malapit sa buhay ko na kanya lang huling susuutin ngunit hindi na nya ma appreciate kasi kinuha na sya sa amin ni Lord. Magkaganun pa man, masaya ako na nakikita syang payapa na at hindi na makikitang naghihirap pa. At sa pagpapalaya nakita ko na mas mainam ito para sa lahat lalong lalo na para sa aking Kuya. At kahit na nasaan man sya ngayon, mahal na mahal namin sya.  =)

No comments:

Post a Comment