Sunday, 19 January 2014

Ang aking pagsusulit

natapos na rin ang aking exam. nung nasa elementarya ako parang andali lang ng exam. may multiple choice, encircle the best answer at fill in the blanks. ngayon puro essay. kailangan ng madibdibang sagot at tamang pag-iisip. Unawa at pag-iintindi ang dalawang bagay na dapat matutunan ng bawat estudyanteng kagaya ko ngayon.

pero hindi pa tapos ang aking pagsusulit. isang pagsusulit na magbabago ng aking buhay. hindi kanun kahirap, hindi rin ganun kadali ang pagsusulit na ito pero naniniwala ako na kailangan ng tamang panahon. panahon kung saan magbibigay bukas sa sagot sa tanong na aking hinahanap. Nawa'y kasiyahan ako ng Santo Espiritu na buksan ang aking isipan at puso sa sagot na aking hinahanap. 

simula pa lang ang aking paglalakbay. mahaba pa ang aking tatahakin. masaya akong tinatahak ang bukas. may galak sa aking puso. panatag. walang iniisip kundi ang bukas na nakalaan sa akin. inihanda para sa akin. alam ko napakabait ng Diyos sa buhay ko at sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin. dahil dito lubos ang aking pasasasalamat sa Diyos at sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin. nagdarasal para sa akin.

kung hindi ko man alam ang sagot, huli kong sinasagutan ang mahihirap. dahil minsan sa paghahanap ko ng sagot kailangan ko lang alalahanin lahat ng mabubuting bagay na nagyari sa buhay ko, kung saan ako nadapa, kung saan ako bumangon at sa pag ala-ala unti-unti ko ng nasasagutan ang lahat. 

marapatin nawa ng Diyos na madali kong masumpungan ang sagot sa aking hinahanap. dahil ang lahat ng pagsusulit ay isa-isang bahagi na bumubuo sa aking nakaraan na magbibigay daan patungo sa aking hinaharap. ang kagandahan lang ng aking pagsusulit ngayon habang naghihintay sa sagot, manapay magdasal,umawit at magpuri sapagkat dito kadalasan si Lord na mismo nagbibigay ng clue sa sagot na aking hinahanap...isusulat ko na lang. Amen. =)

lubos na nagmamahal.
Meg 


No comments:

Post a Comment