Ngayon
ay kaarawan ng aking Ina, Nanay, Nanang, Mother, Mom, Inang. Gusto kong sumulat
upang maalala ko sya. Gaya ng maraming ina, mas inuuna nya kaming lahat kaysa sa sarili
nya. Minsan kahit wala ng matira para sa kanya magkaroon lang kami masaya na
sya. Walang hinangad ang aming ina mapabuti lang ang aming buhay kaming kanyang
mga anak. Isa syang reyna higit pa sa korona.
Gusto
kong maalala sya ng maraming tao na isa sya sa mga inang inilalarawan sa
Kawikaan 31. Wala man syang napag-aralan pero matalino ang aking ina. Isa sya
sa ‘honor roll student’. Dahil sa hindi sya makapag-aral ng kolehiyo, ang tangi
lang pangarap ni Inang ang makatulong sa lola at lolo ko. Mahirap ang buhay noon kaya hindi na sya nagtanong kung makakapag-aral
pa sya. Magsasaka, katulong, labandera at tindera ang mga hanap buhay na alam nya.
Alam nyang mahirap ang walang pinag-aralan kaya naman itinaguyod nya kaming
lahat kasama ni Tatay.
Dumating
yung panahon na hindi nya alam kung makakapag-aral kaming lahat. Pero malakas
ang ‘fighting spirit’ nya, sobrang lakas. Minana ko yata yun sa kanya. Sobrang
mahal na mahal nya kaming lahat lalo na si Tatay. Mapagsilbi ang aking Ina. She’s
really the best. I am so blessed. Thankful kay Lord ng sobra-sobra.
Simpleng
ina ang aking Nanay, hindi sya ‘materialistic’ na tao. Kapag tinatanong ko kung
anong gusto nyang regalo mas pipiliin nya ang pera kaysa sa ano pa man kasi ang
pera pambili ng pagkain na pagsasaluhan naming lahat. Ganun sya magmahal. Kapag
napapagod ako, nagtitimpla sya ng gatas ko. Kapag sobrang pagod ko, iiyak ko
lang daw ok na, haha tama naman sya.
Mahal
na mahal namin sya. Kung may isa mang tanging bagay na laging pinapaalala ni
Inay lalo na sa amin ni Mayet ang maghintay ng isang tamang lalaki na
magmamahal sa amin ng may mabuting intensyon. Hindi mapagsamantala sa kahinaan
ng isang babae at marunong rumispeto.
Dakila
ka Inay. Maraming salamat sa pagdarasal, pag-aaruga at pang-unawa. Hindi ko
alam kung nasaan ako ngayun kung hindi ikaw ang naging Ina ko. Minsan iniisip
ko, paano kaya kung pinanganak ako bago ka ipinanganak o kaya naman ipinanganak
ako ngayon. Eh di, wala ang sulat na ito ngayon. Wala si Meg, si Badette,
Bernadette, Badang, Ate, Ading, Tita, Auntie, Insan na tawag sa akin. Kung wala
si Inay, nasan kaya ako? kailan kaya ako ipinanganak? O kaya naman ipapanganak
pa lang. Sino kayang mga magulang ko? Isa lang ang sigurado, kung wala ang
aking Inay at Itay, wala ako dito sa mundo. Wala si Meg. Thank You Lord for
blessing us a great mom all these years; an awesome gift that’s too priceless,
so precious and extra wonderful. =)
No comments:
Post a Comment