Maganda
‘yong panaginip ko kagabi. Hanggang ngayon naaalala ko pa iyong nararamdaman ko.
Nararamdaman ko pa ‘yong nararamdaman ko. Para akong nasa alapaap. Masaya ang
aking puso. May ngiti.
Naramdaman
ko ulit kung paano umibig. Ang mahalin ng taong mahal ako. Ang saya. Walang
katulad. Maaliwalas ang kanyang mukha. Maginoo.
Nais
kong ibahagi na kahit sa panaginip masaya ang magmahal ng taong mahal ako.
Hindi sa napipilitan lang. Kung anong tapang ko, mas matapang itong
makapagpahayag ng nararamdaman nya para sa akin. Malaya. Walang takot at pag-aalinlangan. Buo ang loob.
Parang ako. Ako na bubuhay sa kalayaan. Alam ko kung saan ako malakas at saan
ako mahina. Batid nya kung ano rin ang aking kahinaan.
Laging
nasa isip ko na minsan lang akong mabuhay dito sa mundo, hahayaan ko bang
mabilanggo sa pag-ibig na ako lang ang nagmamahal? O kaya naman s’ya lang ang
nagmamahal? Hindi ba matuwid na dapat sa pag-big patas lang. Mahal nya ako at
mahal ko sya. Ito ang tama. Mahirap mabuhay sa miserableng buhay. Dapat
parehong masaya. Dapat pantay lang.
Hindi
ako perpekto. Pero sa lakas nito, ako’y nabighani mo. Aking panaginip, sino ka?
No comments:
Post a Comment