Wednesday 22 March 2017

Ang trabaho parang pag-ibig



Ang trabaho parang pag-ibig.

Maihahalintulad ang pag-ibig sa trabaho. Minsan kailangan mong hanapin para mapasaiyo ang iba naman hindi na ibig sabihin kusang dumarating lalo n kung alam mo na angkop ka para sa trabaho na pinasukan mo.

Pagnakapasok k na. Ang tanong magtatagal ka ba? Masaya k p b?

Hindi nasusukat sa tagal ang happiness, nasa nararamdaman iyon. May iba kasi matagal na sila kasi wala namang choice. Nagtatagal kasi kailangan. Meron naman sa unang pagkakataon pa lang tama na. Sa paglipas ng panahon mas nakikita nila ang sarili nilang lumalago sa propesyon na pinili nila. Paano kung hindi?

Eh di, maghanap ng iba. Mahirap kasi kung nahihirapan ka na. Magkakasakit ka lang. Walang masasayang na panahon kung alam mo sa sarili mo na tama iyong daan na pinili mong tahakin. Naging mahirap man pero sa bandang huli, kahit papaano nasabi mo sa sarili mo na may ginawa ka. =)

No comments:

Post a Comment