Wednesday 28 August 2013

Mga kwento ni lola Basyang

Hindi pa masyadong busy sa eskwela pero buti na lang marami pang mapaglilibangan. Mga libro na hindi ko pa mabasa na regalo pa nila sa akin simula ng umalis ako. Maalala ko nga pala ang mga kwento ni Lola Basyang. Ang tagal na noon pero naalala ko pa. Nakakatuwa na kapupulutan ng aral. Sana pagdating ng panahon makalikha rin ako ng mga librong tulad nya. Sa ngayon, masaya kong pinag-iisipan ang konsepto para sa aking proyekto. Alam kong magagamit ng sino mang makakabasa nito lalo na pagdating sa larangan ng trabaho. Mahaba pa ang mga araw pero alam kong kailangang pag-aralan ng mabuti. 

Inspirasyon ko ang mga taong nakapaligid sa akin. Dahil sa aking nakikita, nakikita ko rin ang solusyon. Nabubuo sa aking isipan ang magandang ideya na alam kong magiging daan para makita rin ng ibang tao ang tunay na kahulugan ng salitang 'liwanag'. =)

No comments:

Post a Comment