Saturday 27 September 2014

Nanay, Dakila Ka =)

Ngayon ay kaarawan ng aking Ina, Nanay, Nanang, Mother, Mom, Inang. Gusto kong sumulat upang maalala ko sya. Gaya ng maraming ina, mas inuuna nya kaming lahat kaysa sa sarili nya. Minsan kahit wala ng matira para sa kanya magkaroon lang kami masaya na sya. Walang hinangad ang aming ina mapabuti lang ang aming buhay kaming kanyang mga anak. Isa syang reyna higit pa sa korona.

Gusto kong maalala sya ng maraming tao na isa sya sa mga inang inilalarawan sa Kawikaan 31. Wala man syang napag-aralan pero matalino ang aking ina. Isa sya sa ‘honor roll student’. Dahil sa hindi sya makapag-aral ng kolehiyo, ang tangi lang pangarap ni Inang ang makatulong sa lola at lolo ko. Mahirap ang buhay noon kaya hindi na sya nagtanong kung makakapag-aral pa sya. Magsasaka, katulong, labandera at tindera ang mga hanap buhay na alam nya. Alam nyang mahirap ang walang pinag-aralan kaya naman itinaguyod nya kaming lahat kasama ni Tatay.

Dumating yung panahon na hindi nya alam kung makakapag-aral kaming lahat. Pero malakas ang ‘fighting spirit’ nya, sobrang lakas. Minana ko yata yun sa kanya. Sobrang mahal na mahal nya kaming lahat lalo na si Tatay. Mapagsilbi ang aking Ina. She’s really the best. I am so blessed. Thankful kay Lord ng sobra-sobra.

Simpleng ina ang aking Nanay, hindi sya ‘materialistic’ na tao. Kapag tinatanong ko kung anong gusto nyang regalo mas pipiliin nya ang pera kaysa sa ano pa man kasi ang pera pambili ng pagkain na pagsasaluhan naming lahat. Ganun sya magmahal. Kapag napapagod ako, nagtitimpla sya ng gatas ko. Kapag sobrang pagod ko, iiyak ko lang daw ok na, haha tama naman sya.

Mahal na mahal namin sya. Kung may isa mang tanging bagay na laging pinapaalala ni Inay lalo na sa amin ni Mayet ang maghintay ng isang tamang lalaki na magmamahal sa amin ng may mabuting intensyon. Hindi mapagsamantala sa kahinaan ng isang babae at marunong rumispeto.


Dakila ka Inay. Maraming salamat sa pagdarasal, pag-aaruga at pang-unawa. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayun kung hindi ikaw ang naging Ina ko. Minsan iniisip ko, paano kaya kung pinanganak ako bago ka ipinanganak o kaya naman ipinanganak ako ngayon. Eh di, wala ang sulat na ito ngayon. Wala si Meg, si Badette, Bernadette, Badang, Ate, Ading, Tita, Auntie, Insan na tawag sa akin. Kung wala si Inay, nasan kaya ako? kailan kaya ako ipinanganak? O kaya naman ipapanganak pa lang. Sino kayang mga magulang ko? Isa lang ang sigurado, kung wala ang aking Inay at Itay, wala ako dito sa mundo. Wala si Meg. Thank You Lord for blessing us a great mom all these years; an awesome gift that’s too priceless, so precious and extra wonderful. =)


No comments:

Post a Comment