Thursday 7 November 2013

Isang Malalim na Umaga

Ngayong umaga, isa na naming situasyon ang hindi ko maipaliwanag na magiging bahagi at magbubukas ng aking kinabukasan. Hindi ko na naman alam kung ano ang gustong ipaalam sa akin ni Lord. Ang alam ko lang kailangan kong gawing ang isang bagay na alam ko at sa tingin ko nararapat. Minsan tuloy naisip ko ‘will’ ba sa akin ito ni Lord o ito iyong gusto ko.

Maraming mga bagay at pangyayari na minsan hindi ko kayang gawin sapagkat hindi ko na ito saklaw subalit hanggang saan ang kaya kong gawin, ginagawa ko para sa bandang huli hindi ko pagsisihan na ‘bakit hindi ko ginawa’. Alam ni Lord na matapang ako at matatag dahil ito lang ang maaari kong gawin at ipagmalaki. Dahil dito nakakagawa ako ng mga bagay na hindi ko sukat akalain na magagawa ko pala.


Kalakip ng mga bagay na hindi ko kayang maintindihan, kailangan ko ang ganap at malawakang paghihintay, pasensya at hingit sa lahat malalim na pang-unawa. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang, maganda ang bukas na naghihintay para sa akin at para sa lahat. Kung magkaganoon, ngayon pa lang Lord, lubos na ang aking pasasalamat. =)

No comments:

Post a Comment