Friday 3 May 2013

Happy Birthday Kuya =)


Dear Kuya,

Happy Birthday! Nami-miss na kita. Kahit malayo ka na, alam kong nakikita mo pa rin ako. Alam ko ring masaya ka sa akin ngayon kasi sister mo ako at kuya kita. You always proud of me, pero mas proud ako sa’yo. Marami akong natutunan sa’yo. Ikaw yung naging teacher ko sa Math noon kaya magaling ako, pero mas magaling ka sa akin.

Maraming salamat sa lahat ng payo mo gaya ng kailangan maging responsable sa lahat ng bagay at nakita ko sa iyo iyon. I’m so proud of you kasi napaka-independent mong tao. Masipag sa trabaho at magaling magluto, mamalantsa at maglaba. Expert ka talaga. No doubt you conquered one of the biggest oil companies in the Philippines. Proud na proud sina nanay at tatay sa’yo, hindi lang sa akin at pati kay Mayet at Bubot.

Alam mo bang magkaka-baby na sina Mayet at Leovy? Si Bubot nasa Canada na. Masaya sila nanay at tatay, pero mas masaya kung andito ka. You’re such a blessing in our family. Salamat sa pagtaguyod sa pamilya natin, mahirap man tayo nagsimula pero nakayanan natin lahat. Don’t worry I will take good care of both nanay and tatay. Kung may isang bagay man na lagi kong maalala sa’yo --- ‘strive to be the best and do not be contented on our comfort zone’ kaya naman narating ko ang Dubai at Malaysia ngayon. Alam ko na pinagpi-pray mo rin ang family natin kahit malayo ka na.

I love you kuya Jo at lagi mong tatandaan na sa kabilang buhay ikaw pa rin ang kuyang pipiliin ko. I thank God for having you around in spirit. Paki-sabi kay Lord ingatan kaming lahat.

Always loving you,
Badette =)

No comments:

Post a Comment